KALUSUGAN
Ano nga ba ang pakinabang sa atin ng kalusugan sa pang-araw
araw na pamumuhay? Mahalaga sa atin ang kalusugan dahil kung malusog tayo
malaya tayong nakakakilos.
Ito ang mga sumusunod na dapat nating
sundin.
Ito ay ating kayamanan, kaya dapat
natin itong pahalagahan. Pagkain ng sapat ay dapat ating isa alang alang.
Palagi nating tandaan na hindi dapat puro karne ang laman ng ating pinggan,
kailangan din natin ng lagyan ng gulay pati na rin prutas.
Ehersisyo ay isa din sa kailangan
nating gawin para tayo ay magkaroon ng isang malusog na pangangatawan, kaya
dapat paglaanan ng oras ang ehersisyo sa araw araw nating gawain.
Ang pinakahuling kailangan nating
gawin ay matulog sa tamang oras dahil ito’y nakakatulong din upang mapanatili
ang malusog nating kalusugan, kaya ang sosyal medya ay huwag pasobraan. Dapat
din nating tandaan, ang pag ingat ng ating kalusugan disiplina sa sarili ang
kailangan.